Who Am I?♠
Simulan natin ito sa unique, at pinag- isipan talagang pangalan ko…
Hi, ako nga pala si Adrian (oh diba, unique? BONGGA!)
Tawagin mo nalang din akong Adrian, haha! Wala kasi akong nickname, pwedeng Ian pero mas madalas Adrian nalang. lul.At dahil Ian LANG ang pwedeng kunin sa pangalan ko, ginamit ko nalang siya na base ng aking URL, na pinag- isipan ko ‘din talaga ng BONGGA.
Ako nga pala ay labing-anim (16) na taong gulang na isinilang noong Abril 8, 1996. Mula sa bayan ng Luna, sa probinsya ng La Union.
Malayo sa aking ina dahil siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang aking ama naman ay sumakabilang bahay na, sumabahay nawa. Ngayon ay nakatira ako sa aking butihing LOLA kasama ang aking bunsong kapatid na babae.
Kukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management sa Saint Louis College dahil pangarap kong magtrabaho sa isang cruise ship dahil narin siguro sa pagkahilig ko sa pelikulang Titanic at dun sa barko mismo.
Ako yung tipo ng tao na HINDI kailanman ipipilit ang sarili sa taong ayaw ako. HINDI ako nagsisimula ng conversation dahil sa pagiging mahiyain ko, tsaka BORING ako kausap.
Mahilig gumala, lalo na kung may pera, punuin ang memory ng camera ng mga litrato ng mukha ko, makinig ng musika lalo na ng KPOP, sayawin at kantahin ang mga ito, magsalita ng English na may fake and trying- hard British accent, mag- internet, manood ng PBB/Showtime, atbp. (magtanong ka nalang)
Ayaw na Ayaw ko kapag may problema ka sakin tapos maghahanap ka ng kakampi mo at pag- uusapan ninyo ako, tangina niyo! leche! Ayokong natutulog sa higaan na mabaho. Ayoko rin kapag wala o mababa yung railing sa matataas na lugar. Ayoko sa ipis, lalo na pag papatayin mo ng tsinelas o kahit ano pa basta pipisain mo. At higit sa lahat, ayoko ng nagbibyahe sa mga van or kotse lalo na pag closed yung bintana, mahihilo at masusuka ako. @_@
